(+) Hindi Kaya Ikaw'y Nagbago Lang

☆ Hindi Kaya Ikaw’y Nagbago Lang

Noong isilang ka sa mudong ito,
Laking tuwa ng magulang mo.
At ang kamay nila
ang iyong ilaw.

At ang nanay at tatay mo,
‘Di malaman ang gagawin.
Minamasdan pati pagtulog mo.

Sa gabi napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo.
At sa umaga nama’y kalong
Ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo.

Ngayon nga’y malaki ka na,
Nais mo’y maging malaya.
‘Di man sila payag,
Walang magagawa.

Ikaw nga’y biglang nagbago,
Naging matigas ang iyong ulo.
At ang payo nila’y,
Sinuway mo.

Hindi mo man lang inisip
Na ang kanilang ginagawa’y para sa iyo.
Pagka’t ang nais mo masunod ang layaw mo,
‘Di mo sila pinapansin.

Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo’y naligaw
Ikaw ay nalulon
sa masamang bisyo.

At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumlumha.
At ang tanong,
"Anak, ba’t ka nagkaganyan?"

At ang iyong mga mata’y biglang lumuha
Ng ‘di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo,
Nalaman mong ika’y nagkamali.

Repeat last line until fade

Move On Hambog Sagpro Krew Screen Lyrics
kung alam mo lang with lyrics
PAPURI 13 FULL ALBUM
Hindi kaya ika'y nagbago lang by Allan C. Del Rosario