Naubus na ang barya
sa kaka-yosi at kaka-basa
ng magazine mong, nakahilata
diyan sa sala
Mag-gagabi na pala
diba’t sinabi mo ala-una
mabuti na lang mabagal akong magbasa
dumating ka na sana…
bakit di ka man lang nagbilin
na may balak ka palang biglang mag ice-skating
kung di ka pa tinawagan
maiisip mo kaya na ako’y…
di bale na,
nakakasawa din pala
kapag paulit-ulit
ang buhos ng galit
parang ayoko na yata
nakakapagod din pala ang iyong mukha, at kung may
balak ka pang ulitin sakin ‘yon
may ibubulong ako sa’yo “putang ina mo”
bakit nagta-tiyaga sa’yo
ang dami-dami kong reklamo…ohh
parang ayoko nang magsalita
parang ayoko na yata…
ang daming dapat sabihin
alam ko na kung pa’no gagawin
akala mo siguro na
hindi ko kaya
at nang ika’y dumating
mula sa’yong paga-ice skating
wala akong nasabi kundi
“napagod ka ba? kumain ka muna”
pagka’t di ko kayang magalit
pag nakita na kita tumatatamis ang pait
laging pinipilit
na magsungit ngunit di bale na…
napapatawad na kita
hindi na magagalit
wag lang mauulit
at nung tayo’y kakain na…
biglang sinabi mong may lakad kang iba, at kahit
gusto sana kitang awayin na
sinabi ko: “bahala ka, basta mag-ingat ka…”
bakit nagta-tiyaga sa’yo
ang dami-dami kong reklamo…ohh
parang ayoko nang magsalita
parang ayoko na yata…
parang ayoko na yata,
ngunit wala naman akong magagawa
marahil sobrang alam mong di ko kayang mawala ka
swerte ka’t mahal kita, malas talaga…
[whistle…]
—————–
Parang Ayoko Na
Parokya Ni Edgar
최근 댓글