May (+) tatlong

May ☆ tatlong

Nung naginuman tayo
Masaya ka masaya din ako
Nung barkada ko at nang barkada mo
Lagi na lang tayong tinutukso

Ilang bote lang ang lumipas
Ang hirap mo nang makausap
Mapungay na ang iyong mga mata
Ang paligid ay maingay na

Tatlong beses mong ikinuwento
Nung madapa ka jan sa may kanto
Limang ulit kang nalito
Kung ano ang pangalan ko

Pero biglang nawala ang amats ko
Nung madulas ang dila mo
Hindi makapaniwala ang teynga ko
Nung biglang sabihin mo

Masarap ka palang kausap
Buong maghapon o magdamag
Alam mo ba ang sikreto ko
Matagal na kitang gusto

Pagkatapos ng isang linggo
Binantayan ko mga kilos mo
Tinanong ko ang mga kabarkada mo
Wala akong nakuha kahit ano

Tatlong beses kong pinagisipan
Baka nagpapakipot ka lang
Limang ulit kong sinabi sa sarili
Ganyan talaga ang babae

Kayat biglang nawala ang duda ko
Nadulas lang ang dila mo
Hindi makapaniwala ang teynga ko
Noong sinabi mo

Masarap ka palang kausap
Buong maghapon o magdamag
Alam mo ba ang sikreto ko
Matagal na kitang gusto

Di ko na mapigilan
Kailangan kong malaman
Tinulungan kitang aminin
Ang matagal mo nang inililihim

Tatlong beses mo akong minura
Sa harap ng iyong barkada
Limang beses na nabasag ang puso ko
Nung sabihin mong ang kapal mo

Kaya biglang nawala ang amats ko
Nakagat ko ang dila ko
Hindi makapaniwala ang teynga ko
Sa mga sinabi mo

Ang labo mo palang kausap
Kapag may beer ka lang matapat
Kahit maubos ang pera ko
Maginuman na lang tayo

Sana magubos na ang pulutan
At tapos na ang mga kwentuhan
Pag simot na ang laman ng bote ko
Sanay mahal mo ulit ako

—————–
Amats
Parokya Ni Edgar

FPJ's Ang Probinsyano: Onyok and Makmak's "May Tatlong Bibe"
May Tatlong Bibe lyric video
May tatlong bibe(Dance Craze)
PAMASKONG MAY TATLONG BIBE + MORE CHRISTMAS AWITING PAMBATA (19 minutes Medley)