[Rico Blanco:]
Magdalena ano’ng problema
Bakit ‘di ka makawala sa kadena?
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap buhay mo ngayon
Magdalena ano’ng problema
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
Ano’ng nangyari sa’yo?
Ito’y kwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kanyang mukha’y puno ng kolorete
Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
Simulan na natin ang istorya
[Gloc 9:]
Ako’y kanyang matalik na kaibigan
Ernesto ang aking pangalan
Kwentong dapat ‘nyong malaman
‘Wag nang magbulag bulagan
Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba?
Pagbibigyan kita
Kilala mo ba si Magda?
Na aking kababata mula pa ng pagkabata
Kami lagi magkasama mga bangkang papel sa sapa
Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
At pag siya’y dumadaan mga leeg ay pumipilipit
Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga
Tuwing kausap ko na malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman pinilit kong isara
Ang bibig at pintig ng puso sa kanya
At sa sayawan matapos kaming makapagtapos
Dahil pinawis ang mukha ako’y nagpunas ng pulbos
Kahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinila
Pinakilala niya lalaki na taga Maynila
[Rico Blanco:]
Magdalena ano’ng problema
Bakit ‘di ka makawala sa kadena?
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap buhay mo ngayon
Magdalena ano’ng problema
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
Ano’ng nangyari sa’yo?
[Gloc 9:]
Maraming taon ako’y nalipasan
Pinilti ko mang takasan
Bagkus ay aking nalaman
Ang tunay kong kailangan
‘Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba
Minamahal ko s’ya
Hahanapin ko si Magda
Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
Sa lugar na ang sabi’y kanyang pinagtatrabahuhan
Nakita ko’ng larawan niya na nakadikit sa pintuan
Iba man ang kulay ng buhok ‘di ko malilimutan
Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti
At dahil ubod ng saya hindi na nag atubili
Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
Madaming lamesa’t mga nag-iinumang lasing
Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta
Sa maliit na entablado ay nakita ko na
Ako ay nagtaka, nagtanung, nagkamot
Bakit s’ya sumasayaw na sapatos lang ang suot?
[Rico Blanco:]
Ito’y kwento ng isang babaeng
Tulog sa umaga, gising sa gabi
Ang kanyang mukha’y puno ng kolorete
Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
Ituloy natin ang istorya
[Gloc 9:]
Agad siyang sumama sa’kin walang kakabakaba
Ang trato niya sa’kin ay nobyo tila katakataka
Bumaba sa taxi-ng pinara sa Sta. Mesa
Parang ako’y bida sa mga sumunod na eksena
Kung ito ay panaginip ayoko nang magising
Ngunit ako’y nanaginip umaga na nang magising
Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
Liham para sa’kin na isinulat niya magdamag
Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin
‘Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin
Mahal kong Ernesto alam kong tulog mo’y malalim
‘Di na ‘ko nagpaalam ‘di na kita ginising
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay
Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko
Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino
‘Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
Imbis na ako’y sagipin itinulak sa bangin
Ito pala’ng ibig sabihin ng kapit sa patalim
Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin
Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng
Alam ang amoy ng laway ng iba’t-ibang babae
Isa lang ang kaya kong sayo’y maipagmalaki
Ikaw lang ang bukog tanging hinalikan ko sa labi
Gusto ko mang manatili sa’yong mga yakap
Ako may natutuwa dahil ako’y iyong nahanap
Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat
At ang katulad ko sa’yo ay ‘di karapat-dapat
Pinangarap kong sa altar ako’y iyong ihatid
Ngunit sa dami ng pait ang puso ko’y namanhid
‘Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik
Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala
Salamat sa ala-ala, nagmamahal Magda
[Rico Blanco:]
Magdalena ano’ng problema
Bakit ‘di ka makawala sa kadena?
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda
Na hanap buhay mo ngayon
Magdalena ano’ng problema
Alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama ikaw ay prinsesa
Ano’ng nangyari sa’yo?
Ito’y kwento ng isang babae
최근 댓글