KAILAN (+) KAILAN

KAILAN ☆ KAILAN

Kailan mo ako hahagkan

Matagal na akong naghihintay

Nakadungaw sa bintana

Mga dahon lang ang kumakaway



[Chorus]

Kailan ko mararamdaman

Pagdampi ng iyong labi

Tinatanaw ko ang mga bituin

Mga luha humahalik sa ‘king pisngi



Kailan ako tatahan (ooh)

Higpit ng yakap ng ‘yong dibdib (ooh)

Nakatingin ako sa salamin (ooh)

May guhit ang noo’t mapait ang ngiti (ooh)



[Repeat Chorus]



Kailan ko masisilayan

Sa araw-araw, aking mahal

Mula paggising hanggang sa pag-idlip

Kagandahan mong walang patid



Kailan mo ako hahagkan (ooh)

Matagal na akong naghihintay (ooh)

Nakadungaw sa bintana (ooh)

Mga dahon lang ang kumakaway (ooh)



[Repeat Chorus]



Kailan ako lalaya

Sa anino ng pag-iisa

Mga rehas lang ang tanaw

Nanginginig sa seldang maginaw, hoh

Kailan By Noel Cabangon With Lyrics And Download link In Description
MYMP | Kailan | Official Lyric Video
Michael Pangilinan - Hanggang Kailan (Official Lyric Video)
Kailan - MYMP KARAOKE HD