(+) SA isang sulyap mo

☆ SA isang sulyap mo

Lumalakas ang bawat tibok ang bawat pintig
sa tuwing papasok sa dilim nanginginig [2x]

Sa pag kagat ng dilim pagsapit ng gabi
mga di mo inaasaha’y nariyan lang sa tabi
Bawat bulong ng hangin ay parang bang kay lamig
pagdampi sa iyong balat na siyang dulot ay nginig (siyang dulot ay nginig)

Pilit mong pinipigil
na madapuan ng sulyap
para kang kinakausap
ng isip mong mailap
laging mong tinatanong
saan mang dako’y malikot
ngunit sa iyong sarili
ayaw malaman ang sagot

Sa Bahay na bato
may isang aleh
nag rorosaryo
mata niya’y nakapikit
napadilat at nagulat
umuungol na’ng ispirito
(Tulungan niyo po ako)
Nagtatatakbo ang aleh

[Chorus]
Hesusmaryusep (hehehe)
Santa’t Santo (hehehe)
Nanginginig ako (hehehe)
Alolong ng aso (Howl) (hehehe)
Taong kabayo (Howl) (hehehe)
Nanginginig ako (hehehe)

Lumalakas ang bawat tibok ang bawat pintig
sa tuwing papasok sa dilim na nanginginig [2x]

Naglalakad sa Kalye
ang isang lalaki
sa puno ng balete may tikbalang at dwende
na padaan sa may sementeryo
kahit saan nagkalat ang maligno
laman lupa, tikbalang, Inkanto..
sarisaring mga misteryosong elemento

[Repeat Chorus]

Sumama ka sa ‘kin, subukan nating alamin ang mga
bagay na di dapat alamin, gawin ang ayaw ng iba
buksan ang mga pintuan na kay tagal nang nakasara
kung kaya mong tagalan ang kababalaghan, at ang takot na dala
kapag ipinipikit ang mga mata mayroon ka bang nadarama
natatanaw sa bawat sa pagtalikod na para bang may gumagalaw
nakakapanghiyaw, hindi mo malaman kung saan ang daan pabalik
binibilisan na ang bawat hakbang pero para bang may naririnig
tulad ng nginig.

Ikaw ba ay naniniwala sa kababalaghan
Handa ka bang mabigla at kilabutan [2x]

[Repeat Chorus]

—————–
Nginig
Gloc-9

Sa Isang Sulyap Mo (with lyrics) - 1:43
Sa Isang Sulyap Mo by Bryan Termulo (Juan Dela Cruz OST)w/lyrics
SA ISANG SULYAP MO by MYRUS (ORIGINAL VERSION)
SA ISANG SULYAP MO Love Story (2012) ~ Bohol