N`ong isilang ka sa mundong ito
laking tuwa ng magulang mo
at ang kamay nila ang iyong ilaw
at ang Nanay at Tatay mo`y
di malaman ang gagawin
minamasdan pati pag-tulog mo
at sa gabi napupuyat ang iyong Nanay
sa pag-timpla ng gatas mo
at sa umaga nama`y kalong ka nang iyong Ama
tuwang-tuwa sa `yo
ngayon nga`y malaki ka na
at nais mo`y maging malaya
di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga`y biglang nagbago
naging matigas ang iyong ulo
at ang payo nila`y sinuway mo
di mo man lang inisip
na ang kanilang ginagawa`y para sa `yo
pagkat ang nais mo`y masunod ang layaw mo,
di mo sila pinapansin
nagdaan pa ang mga araw
at ang landas mo`y naligaw
Ikaw ay nalulung sa masamang bisyo
at ang una mong nilapitan
ang `yong Inang lumuluha
at ang tanong anak
ba`t ka nagkaganyan
at ang iyong mga mata`y
biglang lumuha nang di mo napapansin
pagsisisi ang sa isip mo`t nalaman mo ika`y nagkamali
pagsisisi ang sa isip mo`t nalaman mo ika`y nagkamali
pagsisisi ang sa isip mo`t nalaman mo ika`y nagkamali…..
최근 댓글