Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang
Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat na kailangan
Mong malaman
Buhay ay di ganyan
Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Na ikaw ay isang musmos lang
Na wala pang alam
Makinig ka na lang, makinig ka na lang
Ii
Ganyan talaga ang buhay
Lagi kang nasasabihan
Pagkat ikaw ay bata
At wala pang nalalaman
Makinig ka sa ‘king payo
Pagkat musmos ka lamang
At malaman nang maaga
Ang wasto sa kamalian
Iii
Batang-bata ako at nalalaman ko
Inaamin ko rin na kulang ang aking
Nalalaman at nauunawaan
Ngunit kahit ganyan ang kinalalagyan
Alam ko na may karapatan
Ang bawat nilalang
Kahit bata pa man, kahit bata pa man
Nais ko sanang malamanang mali sa katotohanan
Sariling pagdaranas ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangang malaman at intindihin sa mundo
“nais ko sanang malaman
Ang mali sa katotohanan”
Batang-bata ka lang at akala mo na
Na alam mo na ang lahat na kailangan mong malaman
Sariling pagdaranas ang aking pamamagitan”
Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang mumunting paraiso lamang…
La, la, la, la, la, la, la, la, la…
dannypark88@yahoo.com
최근 댓글